Sunday, 16 August 2015

Kahalagahan ng Retorika sa Kursong Multimedia Arts

        Ano nga ba ang Retorika? Ang Retorika ay ang pakikipag ugnayan mo sa mga taong nasa paligid mo. Naging mahalaga ito sa aming kursong MMA sa kadahilanang ito ang aming layunin bilang isang artist. Masasabi kong importante ito sapagkat kung wala nito ay mawawalan din ng saysay ang aming pagiging isang artist. Tulad nalang sa advertising, kung hindi kami makikipagugnayan sa aming mga cliente ay hindi namin makakamit ang nais nilang maiparating o marinig.

       Maituturing naming asset ito sapagkat dito kami makikila. Isa ito sa aming pangangailangan sapagkat ito ang tutulong samin upang kami ay maging kilala sa aming larangan o propesyon. Kung wala kasi ang Retorika o ang pakikipag ugnayan sa mundo ay malamang hindi matututo ang mga taong makipag kaisa o makipag interact sa aming mga kapwa mamamayan. magiging masyadong maliit ang aming mundo pagdating sa larangan ng Multimedia Arts.

          Isa ang interaksyon sa mga kailangan naming palaguin o palawakin upang ang potensyal namin ay umunlad. Ito rin ang magbubukod saming mga MMA praktisyoner, sapagkat ito ang nagbubukod sa mga magagaling makipag socialize sa hindi. Malaki ang naitulong nito sa pagpapakilala namin sa larangan ng Media.

-Alger, Bob Andre R.

Kahalagahan ng retorika sa kursong Multimedia Arts

Ang retorika ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao sa paligid mo, ito ay isang magandang paraan ng pagsulat at pagsasalita sa mas masiyasat na pamamaraan. ginagamitan ito ng maayos na pangungusap o tamang "Grammar".

Mahalaga ito sa mundo o sa "field" naming mga multimedia artist dahil maaari namin itong magamit lalong lalo na sa pagaadvertise, pakikipag-ugnayan o pakikipagusap sa aming mga kliyente at pati na rin pagdating sa pagpapahayag ng aming sining sa masmatalino at maspropesyonal na pamamaraan.

- Santiago, Renzel Felix V.

-Calatero

Angretorika ay isangmahalagangkaalamansapagpapahayagnatumutukoysakaakit-akit and magandangpagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan ditto angukolsamgatuntuninngmalinaw, mabisa at kaakit-akitnapagpapahayag. Ito ay siningngpakikipag-usap at pagsulat.


                Kung akingisasadkunganoangkahalagahanngretorikasaakingkurso, bilangisang artist, ito ay mahalagadahilnakikipagusapakosaakingmgqkliyente at akingmgakatrabaho. Ito ay mahalagasa akin dahilwalaakongmagigingkliyente kung hindikomaisasaadngmaayosangakingnaissabihin. Kaakibatngpagigingisang designer angpagigingmagalingsapakikipagusapngunithindiditobinabaseanglahat. Isa pang kahalagahanngretorikasapagiging designer ay angpagalamsaiyongnais at intensyon.

Kahalagahan ng retorika sa Multimedia Arts


          Ano ba ang kuhulugan ng retorika, ang retorika ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika upang makapagpahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay-bagay.

Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag walang retorika magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wika ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal.

Bilang isang istudyante na may kursong Multimedia Arts isang napakahalagang katangian ang pakikipag komunikasyon sa tao dahil ang bawat produkto na aming ginagawa tulad ng paggawa ng isang advertisement ito ay isa nang paraan ng pakikipag komunikasyon sa tao dito ko pinaparating ang gusto kong mensahe na makuha ng tao sa aking advertisement na ginawa maari itong maghatid ng aral o impormasyon. Mahalaga ang retorika dahil kung walang retorika hindi ko maibabahagi ang aking talento sa ibang tao, hindi ko maipapahayag ang aking gustong ibahagi, madalas sa larangan ng aking kurso kasama ang pagsasalita o pagpapahayag dahil sa bawat disenyo na aking ginawa ay kailangan ko itong ipalawanag upang maintindihan nila ang mensahe na nais kong malaman ng tao.

Kaya’t napakahalaga ng retorika dahil kung wala nito hindi ko maipapahayag ang bawat mensahe na nais kong iparating sa tao hindi ko mapapaliwanag ang bawat disenyo na aking ginawa, paano na lamang kung ang nais kong iparating na mensahe ay ang kagustuhan kong magka-isa ang bawat Pilipino o kaya isang napakahalagang mensahe tungkol sa korupsyon sa pilipinas hindi na ito malalaman ng tao kung walang retorika, hindi na magkakaisa ang bawat tao, Kaya’t napakahalaga ng retorika hindi lamang para sa aking kurso ngunit para sa lahat ng tao.


-Magbanua,Kirk Brian



Kahalagahan ng Retorika sa kursong Multimedia Arts -Alger



Kahalagahan ng Retorika sa kursong Multimedia Arts

Ano nga ba ang Retorika? Ang Retorika ay ang pakikipag ugnayan mo sa mga tao na nasa paligid mo, naging mahalaga ito sa kursong MMA sa kadahilanang ito ang aming layunin bilang isang artist. Masasabi kong importante ito sapagkat kung wala nito ay mawawalan din ng saysay ang aming pagiging isang artist. Tulad nalang sa advertising, kung hindi kami makikipagugnayan sa aming cliente ay hindi namin makakamit ang nais nilang maiparating o ang kanilang gustong makita o marinig.

Maituturing naming asset ang Retorika sapagkat dito kami makikila. Isa ito sa aming pangangailangan sapagkat ito ang tutulong samin upang kami ay maging kilala sa aming propesyon. Kung wala kasi ang Retorika sa mundo hindi matututo ang mga taong makipag- ugnayan sa aming kapwa. Magiging masyadong maliit ang aming mundo pagdating sa larangan ng Multimedia Arts.


Isa ang interaksyon sa mga kailangan naming palaguin o palawakin upang ang potential namin ay umunlad. Ito rin ang magbubukod saming mga MMA practicioner, sapagkat ito ang nagbubukod sa mga magagaling makipag socialize sa hindi. Malaki ang naitulong nito sa pagpapakilala namin sa larangan ng Media.

Alger, Bob Andre

Retorika. Mabulaklak na Pagpapahayag x Kapangyarihan ng Multimedia Student -Andal

John Michael P. Andal
AB-MMA 3-1

Ang Retorika ay isang importanteng bagay na dapat naming malaman bilang isang studyanteng kumukuha ng kursong Multimedia Arts sapagkat malaki ang maiitulong nito sa amin upang masmaging kaaya-aya ang mga konseptong aming gagamitin at maging tulad ng isang mabulaklak na halaman ang aming mga output.

Bilang studyante ng Multimedia Arts hindi dapat puro anking galing lamang sa teknikal sa pagdidisenyo sapagkat ito’y nangangalaingan ng malikhaing pagiisip at para magkaroon ng ganitong pagiisip kelangan muna dapat alamin ang iba’t ibang paraan kung paano magpahayag ng konseptop, disenyo at storya gamit ang Retorika.  Marami sa studyante na kumukuha  ng kursong Multimedia Arts  ay basta basta na lamang gumagawa ng disenyo o dumidiretso na sa editing dahil isa ito sakanilang maling persepyon, inaakala nilang ito ang pinakamatagal na proseso dahil ito ang pinakateknikal sa lahat ng proseso sa pagagawa ng isang Multimedia Output.


Ayon kay Bonnie Kahn ang pagiging malikhain ay isang magandang ari-arian ng isang artist sa business sapagkat ito ay nakakatulong sa ating upang mapaganda ang mga likha natin ngunit kung hindi natin pagtutuunan ng pansin ang bagay na ito maari tayong mabigo sa tinatawag na “branding” na kung saan ditto tayo makikila o makikita ng mga tao kung anong stilo ang meron tayo sa mga output natin. Sa kanyang pahayag na ito ay masasabi nating napakahalaga na magkaroon ang isang studyante na kumukuha ng Multimedia Arts ng kaalaman sa Retorika sapagkat sa pagkakaroon natin ng Retorika sa paggawa natin ng mga multimedia Output ay matutulungan nito na maging kakaiba ang ating disenyo o bidyo at madaling maiintindihan ng mga tao kapag nakita ito. Sa puntong ito ay makikilala ang brand natin at maraming tatangkilik nito.

Napakahalaga ring malaman ang kapangyarihang dala ng Retorika sa kursong Multimedia Arts sapagkat hindi lamang makakapagpabulaklak ang pwedeng maitulong nito kundi pwede rin itong makatulong upang masmapadali ang teknikal na parte. Sa pagsisimula ng paggawa ng isang multimedia output marapat muna dapat nating unahin ang "brainstorming" na kung saan iniisip natin lahat ng pwede nating ilagay na elemento, detalye, sakop, konsepto at mga importanteng bagay sa ating gagawin. Paano nga ba ito gumagana? Una sa pagkakaroon ng isang matinding "brainstorming" malalaman natin kung ano ano ang mga bagay na dapat nating ilagay at hindi ilagay. Pangalawa sa pagkakaroon ng mga dapat ilagay at hindi dapat ilagay ay malalaman natin kung ano ang dapat nating gawin sa mismong post production. Pangatlo kung meron mang tayong dapat eedit para sa pinakahuling proseso ay madali nating malalaman sa pagkat nagawa na natin ang brainstorming kung saan ginamit natin ang konsepto kung paano gumagana ang Retorika. Napakalaking kapangyarihan ito para "hassle free" tayo kung meron man tayong multimedia output na tinatapos. 

Napakaimportante ng Retorika sa kursong Multimedia Arts sapagkat nagiging masining pa ang pagpapahayag ng isang Multimedia Output at bilang studyante alam kong isa to sa makakatulong sa akin para mas maging epektibo pa ang akin mga likha. Ito ay parang isang gamit sa "software" na "Photoshop" o "Sony Vegas" na kung saan gagamitin natin ang Retorika bilang isang gamit na makakapagpabulaklak ng mga output natin at mapapadali ang paggawa natin sapagkat napakalakas ng dulot na kapangyarihan na ito sa pagiging Multimedia Arts.

Credits : http://bonniekahn.com/the-three-reasons-artists-fail-at-business/