Sunday, 16 August 2015

Kahalagahan ng Retorika sa Kursong Multimedia Arts

        Ano nga ba ang Retorika? Ang Retorika ay ang pakikipag ugnayan mo sa mga taong nasa paligid mo. Naging mahalaga ito sa aming kursong MMA sa kadahilanang ito ang aming layunin bilang isang artist. Masasabi kong importante ito sapagkat kung wala nito ay mawawalan din ng saysay ang aming pagiging isang artist. Tulad nalang sa advertising, kung hindi kami makikipagugnayan sa aming mga cliente ay hindi namin makakamit ang nais nilang maiparating o marinig.

       Maituturing naming asset ito sapagkat dito kami makikila. Isa ito sa aming pangangailangan sapagkat ito ang tutulong samin upang kami ay maging kilala sa aming larangan o propesyon. Kung wala kasi ang Retorika o ang pakikipag ugnayan sa mundo ay malamang hindi matututo ang mga taong makipag kaisa o makipag interact sa aming mga kapwa mamamayan. magiging masyadong maliit ang aming mundo pagdating sa larangan ng Multimedia Arts.

          Isa ang interaksyon sa mga kailangan naming palaguin o palawakin upang ang potensyal namin ay umunlad. Ito rin ang magbubukod saming mga MMA praktisyoner, sapagkat ito ang nagbubukod sa mga magagaling makipag socialize sa hindi. Malaki ang naitulong nito sa pagpapakilala namin sa larangan ng Media.

-Alger, Bob Andre R.

No comments:

Post a Comment