Sunday, 16 August 2015

Kahalagahan ng retorika sa Multimedia Arts


          Ano ba ang kuhulugan ng retorika, ang retorika ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika upang makapagpahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay-bagay.

Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag walang retorika magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wika ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal.

Bilang isang istudyante na may kursong Multimedia Arts isang napakahalagang katangian ang pakikipag komunikasyon sa tao dahil ang bawat produkto na aming ginagawa tulad ng paggawa ng isang advertisement ito ay isa nang paraan ng pakikipag komunikasyon sa tao dito ko pinaparating ang gusto kong mensahe na makuha ng tao sa aking advertisement na ginawa maari itong maghatid ng aral o impormasyon. Mahalaga ang retorika dahil kung walang retorika hindi ko maibabahagi ang aking talento sa ibang tao, hindi ko maipapahayag ang aking gustong ibahagi, madalas sa larangan ng aking kurso kasama ang pagsasalita o pagpapahayag dahil sa bawat disenyo na aking ginawa ay kailangan ko itong ipalawanag upang maintindihan nila ang mensahe na nais kong malaman ng tao.

Kaya’t napakahalaga ng retorika dahil kung wala nito hindi ko maipapahayag ang bawat mensahe na nais kong iparating sa tao hindi ko mapapaliwanag ang bawat disenyo na aking ginawa, paano na lamang kung ang nais kong iparating na mensahe ay ang kagustuhan kong magka-isa ang bawat Pilipino o kaya isang napakahalagang mensahe tungkol sa korupsyon sa pilipinas hindi na ito malalaman ng tao kung walang retorika, hindi na magkakaisa ang bawat tao, Kaya’t napakahalaga ng retorika hindi lamang para sa aking kurso ngunit para sa lahat ng tao.


-Magbanua,Kirk Brian



No comments:

Post a Comment