Sunday, 16 August 2015

Retorika. Mabulaklak na Pagpapahayag x Kapangyarihan ng Multimedia Student -Andal

John Michael P. Andal
AB-MMA 3-1

Ang Retorika ay isang importanteng bagay na dapat naming malaman bilang isang studyanteng kumukuha ng kursong Multimedia Arts sapagkat malaki ang maiitulong nito sa amin upang masmaging kaaya-aya ang mga konseptong aming gagamitin at maging tulad ng isang mabulaklak na halaman ang aming mga output.

Bilang studyante ng Multimedia Arts hindi dapat puro anking galing lamang sa teknikal sa pagdidisenyo sapagkat ito’y nangangalaingan ng malikhaing pagiisip at para magkaroon ng ganitong pagiisip kelangan muna dapat alamin ang iba’t ibang paraan kung paano magpahayag ng konseptop, disenyo at storya gamit ang Retorika.  Marami sa studyante na kumukuha  ng kursong Multimedia Arts  ay basta basta na lamang gumagawa ng disenyo o dumidiretso na sa editing dahil isa ito sakanilang maling persepyon, inaakala nilang ito ang pinakamatagal na proseso dahil ito ang pinakateknikal sa lahat ng proseso sa pagagawa ng isang Multimedia Output.


Ayon kay Bonnie Kahn ang pagiging malikhain ay isang magandang ari-arian ng isang artist sa business sapagkat ito ay nakakatulong sa ating upang mapaganda ang mga likha natin ngunit kung hindi natin pagtutuunan ng pansin ang bagay na ito maari tayong mabigo sa tinatawag na “branding” na kung saan ditto tayo makikila o makikita ng mga tao kung anong stilo ang meron tayo sa mga output natin. Sa kanyang pahayag na ito ay masasabi nating napakahalaga na magkaroon ang isang studyante na kumukuha ng Multimedia Arts ng kaalaman sa Retorika sapagkat sa pagkakaroon natin ng Retorika sa paggawa natin ng mga multimedia Output ay matutulungan nito na maging kakaiba ang ating disenyo o bidyo at madaling maiintindihan ng mga tao kapag nakita ito. Sa puntong ito ay makikilala ang brand natin at maraming tatangkilik nito.

Napakahalaga ring malaman ang kapangyarihang dala ng Retorika sa kursong Multimedia Arts sapagkat hindi lamang makakapagpabulaklak ang pwedeng maitulong nito kundi pwede rin itong makatulong upang masmapadali ang teknikal na parte. Sa pagsisimula ng paggawa ng isang multimedia output marapat muna dapat nating unahin ang "brainstorming" na kung saan iniisip natin lahat ng pwede nating ilagay na elemento, detalye, sakop, konsepto at mga importanteng bagay sa ating gagawin. Paano nga ba ito gumagana? Una sa pagkakaroon ng isang matinding "brainstorming" malalaman natin kung ano ano ang mga bagay na dapat nating ilagay at hindi ilagay. Pangalawa sa pagkakaroon ng mga dapat ilagay at hindi dapat ilagay ay malalaman natin kung ano ang dapat nating gawin sa mismong post production. Pangatlo kung meron mang tayong dapat eedit para sa pinakahuling proseso ay madali nating malalaman sa pagkat nagawa na natin ang brainstorming kung saan ginamit natin ang konsepto kung paano gumagana ang Retorika. Napakalaking kapangyarihan ito para "hassle free" tayo kung meron man tayong multimedia output na tinatapos. 

Napakaimportante ng Retorika sa kursong Multimedia Arts sapagkat nagiging masining pa ang pagpapahayag ng isang Multimedia Output at bilang studyante alam kong isa to sa makakatulong sa akin para mas maging epektibo pa ang akin mga likha. Ito ay parang isang gamit sa "software" na "Photoshop" o "Sony Vegas" na kung saan gagamitin natin ang Retorika bilang isang gamit na makakapagpabulaklak ng mga output natin at mapapadali ang paggawa natin sapagkat napakalakas ng dulot na kapangyarihan na ito sa pagiging Multimedia Arts.

Credits : http://bonniekahn.com/the-three-reasons-artists-fail-at-business/


No comments:

Post a Comment