Kahalagahan ng Retorika sa kursong Multimedia Arts
Ano nga ba ang Retorika? Ang Retorika ay ang pakikipag ugnayan mo sa mga tao na nasa paligid mo, naging mahalaga ito sa kursong MMA sa kadahilanang ito ang aming layunin bilang isang artist. Masasabi kong importante ito sapagkat kung wala nito ay mawawalan din ng saysay ang aming pagiging isang artist. Tulad nalang sa advertising, kung hindi kami makikipagugnayan sa aming cliente ay hindi namin makakamit ang nais nilang maiparating o ang kanilang gustong makita o marinig.
Maituturing naming asset ang Retorika sapagkat dito kami makikila. Isa ito sa aming pangangailangan sapagkat ito ang tutulong samin upang kami ay maging kilala sa aming propesyon. Kung wala kasi ang Retorika sa mundo hindi matututo ang mga taong makipag- ugnayan sa aming kapwa. Magiging masyadong maliit ang aming mundo pagdating sa larangan ng Multimedia Arts.
Isa ang interaksyon sa mga kailangan naming palaguin o palawakin upang ang potential namin ay umunlad. Ito rin ang magbubukod saming mga MMA practicioner, sapagkat ito ang nagbubukod sa mga magagaling makipag socialize sa hindi. Malaki ang naitulong nito sa pagpapakilala namin sa larangan ng Media.
Alger, Bob Andre
No comments:
Post a Comment